That Thing Called Tadhana – Hugot Edition

August is the Buwan ng Wika. I will start this month with a throwback Filipino movie, That Thing Called Tadhana. It stars two of my favorite local actors, Angelica Panganiban as Mace and JM de Guzman as Anthony. I followed them from Rome to Manila to Baguio City to Sagada to show that there are all kinds of love in this world, but never the same love twice.

For the review of That Thing Called Tadhana that I wrote three years ago, please read this and for my trip to Mt. Kiltepan, please read this.

For other hugot lines, please read First Love – Hugot Edition, Exes Baggage – Hugot Edition, Miss Granny – Hugot Edition, I Love You, Hater – Hugot Edition, Sid & Aya (Not A Love Story) – Hugot Edition, Kasal – Hugot Edition, Never Not Love You – Hugot Edition, My Perfect You – Hugot Edition, Meet Me in St. Gallen – Hugot Edition, Mr. & Mrs. Cruz – Hugot Edition, Love You to the Stars and Back – Hugot Edition, Ang Dalawang Mrs. Reyes – Hugot Edition, Unexpectedly Yours – Hugot Edition, Last Night – Hugot Edition, Finally Found Someone – Hugot Edition, Can We Still Be Friends? – Hugot Edition, Seven Sundays – Hugot Edition, Kita Kita – Hugot Edition, Can’t Help Falling In Love – Hugot Edition, My Ex and Whys – Hugot Edition, and Heneral Luna – Hugot Edition.

Here are some hugot lines from That Thing Called Tadhana:

The Arrow with the Heart Pierced Through Him by Mace Castillo

There was an Arrow who was getting tired of his pointy life, until one day, he woke up feeling heavier than usual. He woke up with a Heart pierced through him.

“Whose Heart are you and how did you get here”, the Arrow asked. But there was no reply. The Heart did not need to. It just slowly moved back from the Arrow. Slowly. Very slowly. Until the Heart is no longer pierced through the Arrow.

And so the Heart moved on.

The Arrow who used to have a heart pierced through him tried to move on … but he was too heavy, and he was dragging himself down. The Arrow could not understand why he felt heavier when he actually no longer had the load of carrying somebody’s Heart. So the Arrow tried to go back to his old, pointy life and every day he would wake up feeling heavier than usual. But there was no Heart pierced through him each time. So the Arrow decided to be patient and just try to be the old Arrow that he was before he became the Arrow with a Heart pierced through him. So he can live normally again. And he did.

One day, he just woke up feeling a little stranger than usual. The Arrow woke up being tired of his pointy life again. Until he heard a question too familiar that it was not strange at all.

“Excuse me, but have you lost your heart?”

The Arrow was surprised.

It was the Heart who used to be pierced through him. And there was no reply.

The Arrow and the Heart didn’t need any.

“Kasi nabuhay pa ako. Bakit pa ako nabuhay? Leche!” – Mace Castillo (Angelica Panganiban)

“Pagod na ako.” – Mace

“Hind ako manyak. At hindi rin ako magnanakaw.” – Anthony Lagdameo (JM de Guzman)

“Sana ako pa rin. Sana ako na lang. Sana ako na lang ulit.” – Mace channeling Basha

“No. No. No. Hindi ko kailangan ng tissue. I don’t need tissue. Hindi ko kailangan ng tissue. Please stop judging me. Please! Stop!” – Mace

“Ganda nung movie! Galing ng storytelling. Sobrang true to life. At ‘yung cinematography, yun talaga ang nagustuhan ko dito. Si John Lloyd? Iba. Iba ang ipinakita niya. Magaling siya dito.” – Mace

“Mabigat talaga ‘yan. Kasi dala ko ’yung buong buhay ko dito, eh. Pasensya na ha.” – Mace

“Masyado kang judgmental.” – Mace

“Somewhere doon sa dinala ko ‘yung buong buhay ko kaya nag-excess ako. Kasi ang parang sinasabi mo, dapat hindi ko dinala ang buong buhay ko para hindi ako mag-excess. Na dapat meron akong tinitira para sa sarili ko para meron pa akong babalikan. Akala ko kasi kailangan ko sila, eh, pero hindi naman pala. Akala ko lang pala yun.” – Mace

“Neknek mo!” – Mace

“Maghihiwalay din kayo!” – Mace

“Parang gusto kong kumanta ng Aegis o ng ‘A Lonely Heart’ hanggang sa magka-100 ako.” – Mace

“Ano’ng problema sa paghahanap sa sarili?” – Mace

“Wala nabuburgisan lang ako dun sa konsepto. Soul searching. Kasi may oras ka pa talagang mataranta at malaman na nawawala ang sarili mo ha.” – Anthony

“Hindi ko sinasabing maling hanapin mo ang sarili mo kasi sarili mo ‘yan eh. Swerte ka, kapag nawala ‘yung sarili mo, may time kang maghanap, kahit saan, kahit kailan.” – Anthony

“Nagbakasyon ka, sa Italy pa ha. Hmmm. Burgis.” – Mace

“Burgis!” – Mace and Anthony

“Oy, ate! Ang cellphone mo kanina pa nag-riring! Sagutin nyo. Nakakaloka!” – Mace

“Huwag mo ng tanungin. Wala ako sa mood magkwento.” – Mace

“Alam mo ‘yung sinasabi nila na kung kayo, kayo talaga? Kung kayo, babalik siya sa ‘yo? Tang ina. Nakaka-gago ‘yun eh. Ano ‘yun? Iaasa ko na lang sa hangin? Sa tadhana? Sa isang bagay na hindi ko nakikita ‘yung future niyo ng taong mahal na mahal mo?” – Mace

“So kami ang eight years namin, kailangan na lang tanggapin na hindi pala kami nakatadhana para sa isa’t isa. Ganun? Hindi ‘yun ganun para sa akin. Para sa akin, kung mahal mo, habulin mo. Dapat ipaglaban my ‘yon. Huwag mong hintayin na may magtulak sa kanya pabalik sa ‘yo. Hatakin mo. Hangga’t kaya mo. Huwag kang susuko. Huwag kang bibitaw. Sorry, mahal ko eh. Eight years kami.” – Mace

“Ano ba naman ang laban ko sa Euros di ba? Ako lang naman itong girlfriend niya ng walong taon. Ano’ng laban ko dun?” – Mace

“Kasi kapag gusto mo, may paraan.” – Mace

“So, excited na excited ako. Nag-ayos. Bumili ng mga bagong pantes, bagong thongs. Nag-red lipstick ako. Nag-bestida. Pati panty ko pula. Eh. Pagdating ko dun, meron na pala siyang iba. Matagal na. Sabi niya, huwag daw akong maghinala. Kaibigan lang daw niya ‘yun. Officemate lang. Ako daw ang mahal niya eh. Mahal na mahal daw niya ako. Andami niyang sinabi. Ako naman si tanga naniwala ako. Tang ina, eight years kayo eh. Tang ina, dun ka pa ba magdududa? Na alam mo sa sarili mo na siya rin ang pakakasalan mo. Alam na balang-araw ang apelyido niya magiging apelyido mo na rin. Pero wala naman pala ‘yun sa tagal ng relasyon niyo, eh. Kung hindi ka na niya mahal, hindi ka na niya mahal.” – Mace

“Hindi na kita mahal, makakaalis ka na. Seven words. ‘Yung eight years namin nagawa niyang tapusin sa seven words. Siguro naman deserve ko pa na bigyan niya ako ng isa pang pagkakataon para magmakaawa sa kanya. Para ipaalala sa kanya na tang ina ako ang mahal mo di ba? Anong nangyari? Ganun na lang? Ganun pala kadaling makalimot?” – Mace

“Di ka na niya mahal. Yun na ‘yun. Ano pa ang hindi malinaw dun?” – Anthony

“Kung sinabi ba niyang bakit, may magbabago ba? Bottom line, hindi ka na niya mahal.” – Anthony

“Close ba tayo? Tang ina, ang sakit mong magsalita ah?” – Mace

“Ulol! Gago ka eh. Lakas mang-gago nito eh.” – Mace

“Huwag kang mag-eeskandalo dito Mace.” – Anthony

“Wow. Tissue, Mace. Tissue ang ipinaglalaban mo.” – Anthony

“One More Chance ‘yun. Masakit talaga kapag One More Chance.” – Mace

“Kayong mga babae hindi ko talaga ma-gets.” – Anthony

“Bakit? Hindi mo napanood ang One More Chance? Bakit hindi mo pinanood ang One More Chance? Anong problema mo? Seryoso aba?” – Mace

“One More Chance kasi ‘yun. Iba ‘yun. Tsaka si John Lloyd ‘yun.” – Mace

“Hindi nga. Paintindi mo sa akin ano’ng kakaiba kay John Lloyd. Di ko gets eh” – Anthony

“Ganito kasi ‘yun. Si John Lloyd kasi para siyang hindi artista. Para siyang normal lang na tao. Parang pwede mo siyang maging kaibigan. Parang pwede ka niyang mahalin nang buong-buo. Hindi ka niya lolokohin. Hindi ka niya paiiyakin. Siya ‘yung iiyak para sa iyo. Ganun si John Lloyd. Tsaka kamukha ng ex ko si John Lloyd.” – Mace

“Tang ina. Love is blind. Naniniwala na akong love is blind.” – Anthony

 

Anthony: Sige. Kampihan mo pa ang ex mo.

Mace: Ex ko ‘yun eh.

Anthony: Ex mo nga na iniwan ka at ipinagpalit ka at hindi ka na mahal.

Mace: Tang ina mo.

Anthony: Bakit ako?

 

“Pati sa ketchup naaalala mo siya?” – Anthony

 

Anthony: Belt.

Mace: Censored eh.

Anthony: Spaghetti.

Mace: Censored din.

Anthony: Tang ina, ang lalandi niyo.

Mace: Actually, yun nga ang sabi nila.

 

“Wow! Naaalala mo talaga siya sa lahat.” – Anthony

“Bat hindi ka na lang bumili ng lalaki?” – Anthony

“Paano ba makalimot?” – Mace

 

Mace: Shit! Ang hirap.

Anthony: Ganun talaga mahal mo eh.

Mace: Mahal na mahal.

Anthony: Ang mga ganun parang 17 years.

Mace: Paano? 40 plus na ako hindi pa ako maka-get over?

 

“Alam mo ‘yung sinabi ni F. Scott Fizgerald? ‘There are all kinds of love in this world, but never the same love twice.’” – Anthony

“Hindi ko alam kung kaya ko pa eh. Hindi ko alam kung marunong pa ako.” – Anthony

 

Mace: Grabe no? Aren’t we supposed to be great by this time? To the great people we could have been.

Anthony: Parang ayoko naman yatang mag-cheers dyan.

Mace: To the great people we are today.

Anthony: Sinungaling.

Mace: To the great people we will be.

Anthony: To the great people we will be.

 

“Kapag ako nagka-abs, abangan mo.” – Anthony

“Alam mo sa eight years namin, never niya akong inalok magpakasal. ‘Yun na lang naman hinihintay ko eh. Ako naman sigurado ako, sasagot ako ng oo. Iiwan ko ang lahat. Pero yung tanong na yun, never dumating. Tanga.” – Mace

“Hindi ba naisip ng asawa niya na may ako bago siya? Na may nagmamahal na katulad ko na sobra sobra bago siya at na mahal na mahal din siya?” – Anthony

 

Mace: May itatanong ako sa ‘yo pero huwag kang tatawa.

Anthony: Game.

Mace: Pangit ba ako?

Anthony: …

Mace: Tang ina naman eh. Sabi ko huwag kang tatawa.

Anthony: Hindi. Hindi ka pangit. Hindi. Hindi ka hindi pangit. Maganda ka. Okay?

Mace: ‘Yung totoo?

Anthony: Sasamahan ba kita kung hindi ka chicks?

Mace: So, sumama ka sa akin dahil type mo ako?

Anthony: Well, single ako. Wala naman akong ginagawa. Hanggang bukas pa ang leave ko, tapos may isang babaeng nagtanong sa akin na, ‘oy, pwede mo ba akong samahan sa Baguio?’ ‘Yang babaeng iyan may itsura, maganda, matalino, masarap kausap, minsan nga lang nag-eeskandalo, pero masarap kasama. Hihindi pa ba ako?

Mace: Sa tinging mo may papatol pa sa akin? I mean may magkakagusto pa ba sa akin? May makakarelasyon pa ba ako? May magmamahal pa ba sa akin?

Anthony: Oo naman. Ano ka ba?

Mace: Makaka-recover pa ba ako?

Anthony: Makaka-recover ka.

Mace: Sure na sure ka dyan ha.

Anthony: Alam mo kasi ang pagmamahal na ganyan, ang love na ipinapakita mo kung gaano ka-overwhelming, parang imposibleng walang pupuntahan. Babalik at babalik yan sa iyo. Not necessarily sa taong pinagbibigyan mo, pero sigurado ako babalik sa iyo yan. Tulad nga ng sabi ni John Lloyd, paano ba yan? Kaya tayo iniiwan ng mga taong mahal natin kasi may paparating na bago na magmamahal sa atin at magpapa-realize sa atin kung bakit mali yung dati. Papa-realize din sa atin kung paano tayo dapat mahalin. Masarap. Tama ba?

Mace: So, hindi mo pinanood ang One More Chance?

Anthony: Hindi, cinematography lang. Tsaka John Lloyd ‘yun. Tagos!

 

“Malungkot lang ako pero hindi ako nag-iisa ngayon.” – Mace

“Ayoko na! Ayoko na! Pagod na pagod na ako! Ayoko na! Ayoko nang maging malungkot! Ayoko na! Ayoko na! Tama na! Ayoko na! Ayoko na! Tama na! Ayoko na! Ayoko na!” – Mace

“Pero kung dudugtungan ko yun, tumingin ka sa akin nang dahan dahan, sinabi mong kakalimutan mo na siya.” – Anthony

“Kakalimutan ko na siya.” – Mace

“Sabi mo nga bakit mo ipapaubaya sa hangin o sa tadhana sa isang bagay na hindi mo naman nakikita. Na kung mahal mo habulin mo. Huwag mo ng hintayin na may magtulak sa kanya pabalik sa iyo. Hatakin mo. Hanggang kaya mo, huwag kang bibitaw. Eh, sorry, mahal kita eh.” – Anthony

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.