Love You to the Stars and Back – Hugot Edition

I mentioned in I Love You, Hater that I find the tandem of Joshua Garcia and Julia Barretto, collectively known as Joshlia, refreshing. Joshua is a natural in front of the camera and he can pull off dramatic scenes as easily as he can ace comedic ones. Julia is not yet there when it comes to acting, but she can do confrontational and crying scenes better than some of her contemporaries. These factors made me watch one of their older films, Star Cinema’s Love You to the Stars and Back.

I was blown away by Joshua’s performance. The boy can really act. He has just to work on his speech, but he can evoke all sorts of emotions at the drop of a hat. He was the perfect Caloy, bubbly despite the crisis that he was going through. He nailed every heavy scene he was in, and I almost cried in that hotel room scene.

I do not know if it was the dubbing, but Julia’s voice sounded as fake as her wig. It was hard to empathize with her when her voice sounded blunt and emotionless. Although she was cute in her arguments with Joshua, unfortunately, her Mika looked like a supporting character to Joshua’s Caloy.

I do not really like talky movies, especially the ones that have characters that are pa-deep, but I did not dislike Caloy and Mika’s arguments about aliens, carabaos — vegetarians or not, and fertilizer.

 

For other Joshlia hugot lines, please read I Love You Hater – Hugot Edition and Unexpectedly Yours – Hugot Edition.

For other hugot lines, please read Exes Baggage – Hugot Edition, The Hows of Us – Hugot Edition, Miss Granny – Hugot Edition, Sid & Aya (Not A Love Story) – Hugot Edition, Kasal – Hugot Edition, Never Not Love You – Hugot Edition, My Perfect You – Hugot Edition, Meet Me in St. Gallen – Hugot Edition, Mr. & Mrs. Cruz – Hugot Edition, That Thing Called Tadhana – Hugot Edition, Ang Dalawang Mrs. Reyes – Hugot Edition, Last Night – Hugot Edition, Finally Found Someone – Hugot Edition, Can We Still Be Friends? – Hugot Edition, Seven Sundays – Hugot Edition, Kita Kita – Hugot Edition, Can’t Help Falling In Love – Hugot Edition, My Ex and Whys – Hugot Edition, and Heneral Luna – Hugot Edition.

Star Cinema’s Love You to the Stars and Back starring Joshua Garcia as Caloy and Julia Barretto as Mika

Here are some of the hugot lines from Star Cinema’s Love You to the Stars and Back:

“Alam mo, pakiramdam ko, malapit na akong kunin ng mga aliens. Kasi ‘di ba lately madalas akong nagkakasakit.” – Mika’s mom, Michelle (Carmina Villaroel)

“Anak, ano ka ba. Lahat naman tayo kukunin ng mga aliens. Tsaka privilege kayang kunin ng mga aliens, kasi ibig sabihin nun, you’re special and that you deserve a better and a happier place outside the Earth. Basta kapag nangyari ‘yun, tingin ka lang dyan. Nandyan lang ako. Kinuha lang ako ng mga aliens.” – Mika’s mom, Michelle(Carmina Villaroel)

“Totoo sila. Walang imposible sa mundo, Mika. Kailangan mo lang maniwala.” – Carmina Villaroel

“Hindi ako lasengga, Miss. May pinagdadaanan lang.” – Mikaela (Julia Barretto)

“Tabi-tabi po, nuno.” – Mikaela

“Hoy, anong nakita mo? Nakita mo ba?” - Mika

“Tabi-tabi po.” – Caloy Enriquez (Joshua Garcia)

 

Mika: Manyak! Ang baho-baho pa ng tae mo!

Caloy: Bakit? May tae bang mabango ha?

 

“Ang sarap sarap ng may seatbelt eh.” – Caloy

“Nakakatawa ka, miss. Pwede ka sa Showtime.” – Caloy

 

Caloy: Iba ang there’s always a first time sa imposible talagang mangyari.

Mika: Kuya, hindi ba itinuro sa inyo na walang imposible sa mundo?

Caloy: Anong walang imposible sa mundo? May imposible sa mundo.

Mika: Wala.

Caloy: Meron.

Mika: Wala.

Caloy: Oh, pwede bang mag-snow sa Pilipinas, di ba hindi?

Mika: Hindi imposible sa global warming. ‘Di ba may isang country na nagka-snow for the first time.

Caloy: Pwede bang pumuti ang uwak? Hindi.

Mika: Bakit? May mga taong albino naman ah. Malamang pwede namang magka-albino sa mga uwak.

 

“Sinasabi ko sa ‘yo, ngayon pa lang, walang imposible sa mundo.” – Mika

“Hindi kumakain ng tao ang kalabaw. Vegetarian ang kalabaw.” – Caloy

“Silence means yes. I love you. I love you more!” – Mika

“Pambihira. Ang babata nyo pa, ang lalandi nyo na.” – Manong

 

Caloy: Caloy.

Mika: Mika.

Caloy: So, hindi mo ako type?

Mika: Andami dami kong sinabi, ‘yun lang naalala mo?

Caloy: Ano nga?

Mika: Hindi. Bakit? May problema?

Caloy: Wala naman.

Mika: Bakit ikaw? Type mo ako?

Caloy: …

Mika: Silence means yes.

Caloy: Grabe naman. Hindi lang kaagad nakasagot. Bakit naman kita magiging type? Kadiri! Yuck! Type? Type? Yuck. Type?

“Late ka, Berting. Ala eh, mukhang hindi mahalaga sa ‘yo ang magaganap sa araw na ito. Don’t you know that time is money? Don’t you know that time is gold? If you do not respect my time, then you do not respect me.” – Doña Leticia (Odette Khan)

Time is gold. And time is money, yes. But a heart of gold is as precious, too.” – Mika

“Rhodora, ang mga manok, gawin ng tinola.” – Doña Leticia

“Come here, baby! Come to daddy.” – Caloy

“Daddy, baby. Daddy, baby.” – Caloy

“Ang buonf pangalan mo ay Time Is Gold Time Is Money ah.” – Caloy

“Grabe naman, ang choosy mo. Ang mga bata nga sa Somalia walang makain eh.” – Mika

 

Mika: Seryoso ka? May cancer ka?

Caloy: Actually, acute myeloid leukemia. May problema ba tayo?

Mika: Ano ka ba? May cancer ka!

Caloy: Oh, ano ngayon.

Mika: May cancer ka!

Caloy: Shhh. Wag kang maingay. Maririnig ka ni Goldie. Ano ngayon kung may cancer ako.

Mika: May cancer ka.

Caloy: Oh?

Mika: Hindi ubo. Hindi tonsillitis. Cancer.

Caloy: Tapos?

Mika: Ako lang ba ang may problema sa cancer?

Caloy: Problema lang ang cancer kung poproblemahin mo, okay? Tsaka marunong ka pa sa akin. Ikaw ba ang may cancer? Wow!

Mika: Anong stage?

Caloy: Walang stage stage sa leukemia.

Mika: Malala na?

Caloy: Based on research, 12 months to live.

Mika: 12 months to live?

Caloy: Yes. At kapag hindi pa tayo kumain baka maging 11 months na lang. Kakain na tayo, Goldie. Ang bebe, bebe, bebe.

 

“Kung hindi masarap, eh di hindi. Eh, paano kung masarap?” – Caloy

“Mama, may leukemia ako. Mamamatay at mamamatay ako. Hind lang natin alam kailan. Pero sana naman bago ako kunin ni Lord, makita ko ang tatay ko.” – Caloy

“Kung gago ang tatay ko, eh di gago siya. Tatay ko pa rin naman sya. Tanggap ko kung ano sya. Pero tingin ko naman kahit sinong tatay kung malalaman nyang mamamatay ang anak niya, hindi siya magiging gago para man lang sa anak niya.” – Caloy

“May cancer ako, pero hindi pa naman ako mamamatay.” – Caloy

“Hindi kita ihahatid dahil naaawa ako sa ‘yo. Ihahatid kita dahil gusto ko.” – Mika

 

Caloy: Hindi kita pagtatawanan. Promise.

Mika: Hope to die?

Caloy: Hindi kita pagtatawanan pero ayoko mag-hope to die.

 

“Kasi gusto kong magpakuha sa aliens.” – Mika

“Aliens? Ano ka Grade 2?” – Caloy

 

Caloy: Konting oras na lang tayong magkasama. Sulitin na natin ‘to. Baka ma-miss mo ko.

Mika: Hindi kita mami-miss no. Baka ako ma-miss mo.

Caloy: Eh, paano kung sabihin kong oo.

 

“Pahingi naman ng yakap, oh.” – Caloy

“Mas lalo kitang na-mimiss eh. Huwag kang ganyan.” – Caloy

“Nagsinungaling ako kay Caloy. Totoo ma-mimiss ko siya. Siguro kung sinabi ko ang totoo, hindi ako magkakaganito. Hayaan mo i-tetext ko siya.” – Mika

“Gago pala ang amo nyo. Tama ang nanay ko. Gago talaga ang tatay ko.” – Caloy

“Ano? Nakita mo na ba ang wala mong kwentang tatay? Ang gago mong tatay!” – Linda Enriquez (Cherry Pie Picache)

“Ayoko ng kausap! Umalis ka na! Alis!” – Caloy

“Ang tanga ko! Ang tanga ko! Tanga ko!” – Caloy

“Gago ka, Tay. Gago ka! Bakit hindi na lang ako nakinig kay Mama na wala kang kuwenta.” – Caloy

“Ano na naman ‘to? Pinabayaan mo na naman ako? Gusto ko lang naman siyang makausap! Hind mo pa binigay sa akin! Bitawan mo ako! Pare-parehas lang kayo! Akala ko ba wala na ang cancer ko. Akala ko ba wala na. Bakit ako? Sumagot ka! Ano ba ang kasalanan ko sa ‘yo! Mabait akong tao. Mabait akong anak. Bakit hindi mo ‘to binigay sa masasamang tao? Bakit sa akin? Anong klaseng Diyos ka? Anong klaseng Diyos ka? Sumagot ka! Sumagot ka!” – Caloy

“Anong iniiyak-iyak mo ha? Ayaw mong ginaganun ko ang Diyos mo? Ha? Hindi mo kasi ako nararamdaman eh. Sige palit tayo. Ikaw iyong may cancer. Ano payag ka? Umalis ka na please. Umalis ka na Mika. Umalis ka na Mika. Umalis ka! Hindi ka aalis? Hindi ka aalis? Utang na loob umalis ka! Alis!” – Caloy

“Ashira grevinda mama ajaarum.” – Mika’s alien-calling chant

“Siguro wala ng lungkot. Siguro wala ng sakit.” – Mika

“Walang sigurado, pero minsan kailangan mo lang maniwala.” – Mika

“Kung gusto mo siya, at hindi ka niya gusto, walang magbabago. Kahit ipagtabuyan ka niya, kahit hindi ka niya kilala, kung gusto mo siya, gusto ko siya.” – Caloy

“Abs ka diyan! Wala kang abs, Caloy!” – Mika

“Minsan kailangan mo lang maniwala.” – Caloy

“Akala mo naman pagkakainteresan ko katawan mo. Mas macho ka pa sa akin, oy!” – Caloy

“Tita, I am sorry that hindi ako naging mabait sa ‘yo but what is important to me is that Papa is happy. And you make him happy, so thank you.” – Mika

“Buong buhay ko po, ako ang inaalagaan niyo. Panahon na para alagaan nyo ang sarili nyo.” – Caloy

“Naisip ko na kung kukunin na tayo ng aliens bukas, ang dami ko pa palang gusto na hindi ko pa nagagawa. Gusto kong pumunta ng Disneyland. Hindi ko na magagawa. Mismong Palawan nga, hindi ko pa napupuntahan eh.” – Caloy

“Ano kaya ang feeling na ma-in love? Sabi nila iyon daw ang pinakamasarap na feeling pero kapag nasaktan ka, yun rin naman ang pinakamasakit.” – Mika

“Ako alam ko ang feeling. ‘Yung masayang-masaya ka lang. ‘Yung ayaw mo siya mawala. ‘Yung ayaw mo ng matapos ang gabi. Pakiramdam mo buhay na buhay ka. ‘Yung gusto mo siyang lapitan. ‘Yung gusto mo siyang halikan. Parang ganito.” – Caloy

“Pahirap na naman ako, Mika!” – Caloy

“Kasi kung nahihirapan ka Caloy, nahihirapan din kami.” – Mika

“I love you, anak. Maghihintay lang kami.” – Linda

“I love you, Ma. I love you, mama ko.” – Caloy

“Caloy, hindi ko nakita ang aliens. Hindi nila ako kinuha. Noong una, iniisip ko, dahil ba hindi totoong may aliens? O talagang ayaw lang nila ako kunin? Pero ngayon, alam ko na. Kaya hindi ako kinukuha ng mga aliens kasi sa totoo lang, ayaw kong magpakuha. Mahal na mahal ko si Mama, pero marami din pa lang nagmamahal sa akin dito. Si Papa, Tita Sheryl, yung magiging kapatid ko at iniisip ko, minsan, baka pati ikaw.

Sabi mo, minsan, hindi natin alam na wini-wish pala natin ang isang bagay hanggang nandiyan na sa harap natin. Tama ka nga. Pero alam mo anong nalaman ko? Mas totoo pala yung hindi natin alam wini-wish pala natin ang isang bagay hanggang mawala yun sa atin.

Sorry kung sulat na lang ang iniwan ko, kasi hindi ko alam kung gusto mo pa akong makita kapag matapos ang lahat ng nangyari. Pero sana nabuhay ka, Caloy. Sana nakalaban ka. Sana nababasa mo ‘to. Maraming maraming salamat sa lahat, Caloy. Kahit medyo imposible, araw-araw ko pa rin wini-wish na someday magkikita tayo ulit. Pwedeng sa kalsada ulit o sa mall o sa panaginip o sa Mount Milagros. Babalik-balikan ko yun. Bundok natin yun eh. Atin yun. Pero sana magkita tayo uli. Hindi. Magkikita tayo uli. Di ba nga, minsan, kailangan mo lang maniwala.” – Mika

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.