Must Be … Love – Hugot Edition

Star Cinema’s Must Be … Love is the first solo movie of Kathryn Bernardo and Daniel Padilla, collectively known as the famous reel-and-real loveteam Kathniel. Must Be … Love was shot in 2013 but even then, Kathniel had undeniable chemistry. Kathryn and Daniel were both cute and they carried themselves well onscreen as Princess Patricia “Patchot” Espinosa and Ivan Lacson, respectively, the best friends who had a hard time seeing each other as more than friends. The story was age-appropriate. Cebu was a wonderful backdrop of Must Be … Love. From the colorful and dance-inducing Sinulog Festival, to Cebu’s renowned lechon and dried mangoes, the Queen City of the South was well-represented in the film. 

The regular mention of the abbreviations of trending phrases at that time, like YOLO (You Only Live Once) and MBL (Must Be Love), was not annoying, it was actually endearing – like a throwback of a good memory, a seven-year memory to be exact. John Estrada as Patchot’s father, Arlene Muhlach as Ivan’s mother played wonderful support roles. However, it was John Lapus as Tita Baby and Cacai Bautista as Dolly who shone as rivals in the hair and makeup field in Cebu. Tita Baby was profound yet witty with his one-liners and Dolly was a comedy sketch in motion all on her own. It is also to be noted that Liza Soberano played as Angel Gomez, Patchot’s cousin and erstwhile rival.

For a related entry, please read The Hows Of Us – Hugot Edition, Barcelona: A Love Untold – Hugot Edition, Can’t Help Falling In Love – Hugot Edition, Crazy Beautiful You, and She’s Dating The Gangster – Hugot Edition.

Star Cinema’s Must Be … Love stars Kathryn Bernardo as Princess Patricia “Patchot” Espinosa and Daniel Padilla as Ivan Lacson. Image from imdb.com.

Here are some hugot lines from Star Cinema’s Must Be … Love

“Sabi nila ang buhay ay mabilis at maingay. May tunog na walang humpay, may kumpas na sinusundan, may galaw na sinasabayan. Pero minsan may mga moments na bumabagal. ‘Yung moments na parang tumitigil ang mundo, ang tunog humihina. Ang galaw bumabagal. Ito, ito ang moment na dati pa kinukwento ng tatay ko. Sabi niya, malalaman mo daw na in love ka kung biglang nag-slow mo ang mundo mo. Ganoon din daw ang nangyari sa tatay ko noong una niyang nakita ang nanay ko. Noon daw nalaman ni tatay na nakita na niya ang babaeng pakakasalan niya. Tumigil ang oras at naglaho ang buong mundo. Dahil ang nakita lang niya, ang reyna ng puso niya. Natalo sila sa liga ng taong na ‘yun, pero feeling naman daw ni tatay, naka-jackpot siya sa nanay ko. Sabi ni tatay, nag-slow mo din daw ang mundo niya nang una niya akong nakita. Love at first sight din daw. Pero kung anong saya ang nararamdaman ni tatay kapag may slow mo moment, hindi ko naman alam kung bakit sa akin, kaba at lungkot ang nararamdaman ko.” – Princess Patricia “Patchot” Espinosa (Kathryn Bernardo)

“First time ko naranasan ang slow mo noong huling araw ko nakita ang nanay ko. Dahil takot ang naramdaman ko. Hinabol ko siya. Pero pati ang pagtakbo ko, parang bumagal din.” – Princess Patricia “Patchot” Espinosa

“Nawalan ako ng nanay, pero nagkaroon naman ako ng best friend. Bumilis ang buhay kasama si Ivan. Ganoon yata talaga kung masaya ka.” – Princess Patricia “Patchot” Espinosa

“Hindi masaya ang araw na ‘yun. Slow mo ulit nang makita kong umiyak ang best friend ko.” – Princess Patricia “Patchot” Espinosa

“Kaya nang nag-slow mo ulit si Ivan sa harap ko, kinabahan na agad ako. Dahil wala naman akong slow mon a masaya eh. Naisip ko kung may malungkot na naman bang mangyayari. Pero noong moment na ‘yun, iba na ang naramdaman ko. Tumigil ang mundo. Wala akong ibang nakita, siya lang. Ang best friend ko.” – Princess Patricia “Patchot” Espinosa

“I love you, Ivan. ‘Yan. ‘Yan ang slow mo moment ko, ang moment na gusto ko na lang i-fast forward at kalimutan. At ituring na lang na isang masamang panaginip.” – Princess Patricia “Patchot” Espinosa

“Iha, don’t cry. For every drop of luha, wrinkle ang nakukuha. But, remember we are always “hair” for you.” – Gwen Martinez (Arlene Muhlach)

“Ako? Magkakagusto sa ‘yo? Sus! Wala!” – Princess Patricia “Patchot” Espinosa

“No offense, Ivan ha. Pero hindi naman talaga kita trip eh. Oo, sige, sabihin natin, lahat sila gusting-gusto ka, pero hindi ako katulad nila. ‘Di ko nga makita kung bakit sila nagkakagusto sa ‘yo eh.” – Princess Patricia “Patchot” Espinosa

“Kasi alam ninyo may mga babaeng gini-girlfriend.” – Ivan Lacson (Daniel Padilla)

“At may mga babaeng friends lang.” – Princess Patricia “Patchot” Espinosa

“Sana pwede nating i-rewind ang buhay.” – Princess Patricia “Patchot” Espinosa

“Best friend mo lang naman siya dati. Pero isang araw, bigla na lang nag-slow mo, kaya lang, para sa kanya ikaw ang ang katawa-tawa niyang best friend eh, ‘yung babaeng kahit kalian hindi niya makikita. Kung puwede lang talaga i-rewind ang mga nangyari bago pa naging “it’s complicated”.” – Princess Patricia “Patchot” Espinosa

“Tita, totoo nga. Totoo ang slow mo!” – Ivan Lacson

“Tita, buti na lang talaga pinabili mo ako ng make-up! Nakita ko ‘yung girl of my dreams. MTB na MTB talaga eh. Meant to be! Tsaka. Tita, alam mo ba, slow mo kung slow mo eh. Sana makita ko siya ulit. Sana talaga.” – Ivan Lacson

“Ay, hindi pala ikaw ang slow mo, ang slow mo kasi eh.” – Lavinia (Sharlene San Pedro)

“Paano ko mapapatawad ang dating kerida ng asawa ko? Aber? Anoa ko buang?” – Gwen Martinez

Gwen: Do you want to make a bet, dating kabit?

Dolly: What bet? Babaeng mahilig sa pinakbet?

“Di ba sabi nila kung best friends, ‘yung isa may gusto secretly?” – Angel Gomez (Liza Soberano)

“Well, he’s a cute butiki,” – Angel Gomez

“Hindi tayo hayop, hindi rin tayo tao. Bagay tayo.” – Ivan Lacson 

“Huwag kang mag-alala. Ilalabas natin ang gandang hindi mo inakala.” – Tita Baby (John Lapus)

“Walk with confidence. Walang pumipigil sa ‘yo. You can even fly if you want, as if you have wings. Go!” – Tita Baby

“Sorry ha. Nakalimutan kong babaeng babae ka pala.” – Ivan Lacson

“Excuse me, I may have been out of the loop for these past two years, but it doesn’t diminish my undeniable talent, my unwavering commitment to excellence, and my God-given beauty. And FYI, you’re just a beautician, I am an artist.” – Tita Baby

“Halika na, girl. Nandiyan na ang girlfriend. RYP. Remember your place and keep a straight face.” – Lavinia

“Puwede naman pala magbago. Tawagin kang “girl”, “lady”. Ituring kang parang prinseas. Pero bakit ang hirap? Parang bawal?” – Princess Patricia “Patchot” Espinosa

“Kahit hindi okay. Kahit maraming hindi okay. Magiging okay kasi nandiyan ka pa rin eh. Salamat ha.” – Princess Patricia “Patchot” Espinosa

Patchot: Angel, magpapaliwanag ako. 

Angel: What are you going to explain? That I’m stupid enough not to sense that you and ivan have something more than just being best friends?

Patchot: Bakit ka ba nagagalit, Angel? Dahil feeling mo inaagaw ko sa ‘yo si Ivan? Angel, mas una ko siyang naging best friend bago mo siya naging boyfriend. 

Angel: Yeah, you’re right! Pero best friend ka lang! 

Patchot: Oo, alam ko na best friend lang ako. Kaya nga ginagawa ko ‘to para makatulong ako sa problem ani Tita Gwen. Ginagawa ko ‘to para sa best friend ko.

Angel: Oh, come on, Patch! ‘Yan ba talaga ang dahilan kung bakit ka sumali sa hair-and-makeup contest na ‘yan? Nagpapaganda ka? Para sa kanya ang lahat ng ‘to di ba? Why? Because you want him to see you differently?

Patch: Hindi. Para naman makita ninyo ako bilang ako. 

“Gusto ko rin po maramdamang babae ako kahit minsan.” – Princess Patricia “Patchot” Espinosa

“I’m always your partner but not your daughter. Dahil kahit minsan hindi ninyo naman ako tinanong kung ano talaga ang gusto ko eh.” – Princess Patricia “Patchot” Espinosa

“Minsan naisip ninyo rin na baka gusto ko rin magsuot ng bestida minsan. Na baka gusto ko rin makita ng ibang tao bilang isang babaeng walang bigote? Na gusto ko rin minsan masabihan na maganda ako. Tay, kasi minsan feeling ko na sa sobrang iniiiwas ninyo akong maging katulad ng nanay ko, iniiwas niyo din ako sa mga bagay na puwedeng maging ako. Alam ko ‘tay, nasaktan ka noong iniwan tayo ni nanay. Naiintindihan kita, kung bakit ayaw mo siyang pag-usapan o ayaw mo mabanggit ang pangalan niya. Pero, ‘tay, ako rin naman nasaktan niya eh.” – Princess Patricia “Patchot” Espinosa

“Hindi ka nila nakikita kasi ikaw mismo ang nagtatago. Kung inaakala mong pangit ka, nagakakamali ka. Hindi kita sinali sa contest para pagandahin. Sinali kita sa contest para makita mo at maramdaman mo na maganda ka at karapat-dapat.” – Tita Baby

Patchot: Oo gusto kita. Oo mahal kita noon pa. Masaya ka na?

Ivan: Hindi, Kasi binawi mo eh. 

Patchot: Kasi pinagtawanan moa ko. Bakit? Kung hindi ko binawi ang sinabi ko, sasabihin mor in bang mahal mo ako?

Ivan: Siguro. Baka. Puwede.

Patchot: Siguro? Baka? Puwede? Pero kapag kay Angel oo kaagad. Di ba? Kay Angel I love you kaagad di ba? Bakit ba ang dali sabihin mo sa kanya na mahal mo siya? Kasi maganda siya? ‘Yun ba? 

Ivan: Sa tingin mo ba itsura lang ni Angel ang nagustuhan ko? Ganoon ba kababaw ang pagtingin m osa akin, Patchot? 

Patchot: Mababaw na kung mababaw pero ‘yun ang totoo. Mata ang unang nagmamahal, Ivan. At hindi mo ako nakita kahit ako ang nasa tabi mo. Kahit na araw-araw ako ang kasama mo. Pero ang pinsan kong minsan mo lang nakita, kahit mo kilala gusto mo na siya kaagad. Kaya oo, aaminin ko, nagselos ako. Nainggit ako. Nasaktan ako. Kasi hanggang friends mo lang ako. Kasi hindi ako ang babaeng pang-slow mo. Kasi ang best friend ko na mahal ko hindi niya ako kayang mahalin. 

Ivan: Patchot, mahal din naman kita eh. 

Patchot: Mahal mo din ako? Mahal mo din si Angel di ba? At mahal ka rin niya. Ayoko saktan ang pinsan ko. At alam kong ayaw mo rin siyang saktan. 

“Anak, kung totoong nagmamahal ang isang tao, dapat isa lang.” – Gwen 

“Di ba tinanong moa ko kung naniniwala ako sa slow mo? Hindi ako naniniwala doon. Mas naniniwala ako sa fast forward. Kapag nakita mon a ang taong mahal mo, bibilis ang takbo ng oras. Magpafast forward ang lahat. Tapos makikita mo ang future ninyo. Ganyan ang nangyari sa akin sa Tito Emilio mo. Noong panahong iyon, MBL. Must be love! Di ba sabi mo dati, YOLO. You only live once. Kaya kung nakita mo na ‘yung taong mahal mo, hold on to her.” – Tita Baby

“Mahal kita kahit nakasimangot ka. Mahal kita kahit hindi moa ko kinikibo.” – King Espinosa (John Estrada)

“Sorry, Angel. Hindi ko gusting saktan ka. Mahal kita pero mas mahal ko si Patchot. Sorry.” – Ivan Lacson

“Alam mo Patchot, hindi ko talaga nakita sa ‘yo ang slow mo moment. Fast forward, ‘yun ang nakita ko sa ‘yo. Magpapakasal tayo. Patchot, mahal kita. At sorry kung ngayon lang nagbukas ang mga mata ko. Ngayon ko lang nakita ang totoo na ikaw ang best friend ko. Ikaw din pala ang deam girl ko. At sana ako din ang nilalaman ng fast forward mo.” – Ivan Lacson

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.