I was in Department of Trade and Industry – Fair Trade Enforcement Bureau (DTI – FTEB) a couple of days ago for an errand. While waiting for my turn, I saw some colorful and flyers. I asked the guard two copies of each one (I usually ask multiple copies of flyers, pamphlets, and other similar items. The hoarder in me wants to have a copy in mint condition). I scanned the flyers and found out that they are useful for consumers like me.
As part of my information dissemination campaign, I would like to share some of particulars in those flyers.
Tanong: Ano ang SRP?
Sagot: Ang SRP o Suggested Retail Price ay nagsisilbing gabay ng mga mamimili upang makasiguro na tapat ang presyo ng mga produkto.
Tanong: Anu-ano ang mga pangunahing bilihin na minomonitor ng DTI?
Sagot: Nahahati sa dalawa ang sagot, a. Basic Necessities at b. Prime Commodities
Mga Pangunahing Bilihin na Minomonitor ng DTI | |
Basic Necessities | Prime Commodities |
De latang isda at ibang lamang dagat | Harina |
Naprosesong gatas | De latang karneng baboy, manok o baka |
Kape | Suka |
Sabong panlaba | Patis |
Kandila | Toyo |
Tinapay | Sabong panligo |
Asin | Papel |
Instant noodles | Gamit pang-eskwela |
Bottled water | Semento |
Klinker | |
GI Sheets | |
Hollow Blocks | |
Construction materials | |
Baterya | |
Electrical supplies | |
Light bulbs | |
Steel wires |
Tanong: Binabayaran ba ang surcharge sa paggamit ng credit card kung namimili?
Sagot: Hindi. Bayaran lamang kung magkano ang nakasulat sa price tag. Ang pagpapataw ng surcharge ay labag sa Price Tag rule.
Tanong: Anu-ano ang mga dapat tandaan sa paggamit ng credit card?
Sagot:
1. Huwag basta magbigay ng mga personal na impormasyon tulad ng bank accounts at passwords. |
2. Huwag basta magpadala sa mga credit card offers. Makipag-ugnayan sa bangko upang masigurong tunay ito. |
3. Ipaalam o itawag kaagad sa kumpanya ng credit card kapag may nakakapagdudang transaksyon sa billing statement. |
4. Sa pagbabayad, dapat iisa lang ang presyo ng produkto (nakapromo man o hindi), cash man o credit card ang gamit. |
Tanong: Paano mag-file ng consumer complaints?
Sagot: Sumangguni sa tindahan na pinagbilhan. Ipakita ang resibo o warranty card ng biniling produkto. Mag-file ng complaint sa tamang ahensya ng gobyerno.
Government Agency | Product |
Department of Agriculture (DA) | Agricultural products |
Department of Health (DOH) | Processed food, drugs and cosmetics |
Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) | Financial transactions |
National Telecommunications Commission | Telecommunication services |
Local Government Unit (LGU) | Regulation on wetmarkets, restaurants, etc |
Civil Aeronautics Board (CAB) | Airline services |
Department of Trade and Industry (DTI) | Consumer products and services |
Tanong: Ano ang gagawin kung may consumer complaint na sakot ng DTI?
Sagot: Pumili ng isa sa mga sumusunod:
- Tumawag sa DTI Direct (02) 751 – 3330,
- Mag-text sa 0917 – 8343330,
- Sumangguni sa Fair Trade Enforcement Bureau (FTEB) – Mediation Division sa (02) 975 – 7965 o ftebmediation@dti.gov.ph, o
- Sumangguni sa pinakamalapit na DTI Regional/Provincial Office.
Online Shopping Security Tips from DTI
Gabay When You Buy Online from DTI
For more information, please visit www.dti.gov.ph or call DTI Direct 751 – 3330 or DTI Mobile 0917 – 8343330.