Barcelona: A Love Untold – Hugot Edition

I watched Star Cinema’s Barcelona: A Love Untold on Netflix recently. It is better than the first time I watched it on the widescreen. Kathryn Bernardo’s Mia dela Torre is resplendent and Daniel Padilla’s John Elias “Ely” Antonio is a sight to behold. I almost cried. 🙁

And Barcelona is gorgeous. Wishes something fervently with fingers crossed.

For a related entry, please read my review of Barcelona: A Love Untold.

Star Cinema’s Barcelona: A Love Untold starring Kathryn Bernardo as Mia dela Torre and Daniel Padilla as John Elias “Ely” Antonio

The following are hugot lines from Star Cinema’s Barcelona: A Love Untold:

“Kung alam ko lang, sana paulit ulit kong isnabi sa iyo na mahal kita.” – John Elias “Ely” Antonio (Daniel Padilla)

“I’m sorry. Parang iyan ang sinasabi ng Sagrada. They say that the Sagrada Familia was built as an atonement for the city’s sins. When finished, it will be the tallest church building in the world. Pinakamatas, pinakamalapit sa Diyos, at pinakamabilis sigurong aabot ang sorry natin sa langit. It will be the world’s most beautiful apology.” – Ely

“Ang simbahang hindi matapos-tapos hanggang ngayon.” – Mia dela Torre (Kathryn Bernardo)

“¡Dios mio!” – Tonying (Joshua Garcia)

“Huwag mo kong iwan.” – Mia

“Ako, kahit mamatay ako, makikita mo ako ulit. Hindi kita iiwan. Babalik ako.” – Celine

“Grabe! Nakakakilabot. Photocopy.” – Insiang (Aiko Melendez)

“Ang babeng iniuwi mo ditto, magpapakamatay!” – Insiang

“What a bad life! I hate this life! I wish I could just disappear! I hate feeling like this! I hate myself! Aaaaaah!” – Tonying reading Mia’s journal

“Parang diary ng Mara Clara ito. Nandirito lahat ng katotohanan.” – Tonying

“I cannot go home! Please! I cannot go home!” – Mia

“You’re caught cheating!?! Nakakahiya ka! Ikaw wala ka ng iniakyat sa bahay na ito, nagdala ka pa ng kahihiyan!o You’re a disgrace to this family! Bobo!” – Mia’s father (Ricky Davao)

“Kung hindi ka tumigil, hahalikan talaga kita!” – Ely

“Kung gusto mo ng pera … wala ako noon. Sa ngayon.” – Mia

“Bakit inuwi mo pa? Ang sabi ko, pigilan mong magpakamatay. Hindi ibig sabihin noon, ikaw ang bubuhay.” – Insiang

“Hindi ‘yung aasta ka na porke marunong ka, puwede ka kahit saan mo gusto. Pinagtatrabahuhan ‘yon. KAhit tatlo-tatlo pa ‘yung trabaho mo, kahit patay ka na sa pagod. Mga Filipino kasi ditto, lunok-dignidad. Bawal ang ma-pride, bawal ang mayabang. Ngayon kung hindi mo talaga kaya, mabuti pa umuwi ka na. Huwag mong ipilit ang sarili mo kung hindi ka naman para dito.” – Ely

“Kung sa inyo nakukuha mo sa pag-iyak iyak lahat ng gusto mo, dito hindi. Hindi uubra ‘yan. Tigilan mo ‘yan o hindi na kita tutulungan.” – Ely

“Sino ba naman nagsabi sa ‘yo na magtrabaho ka sa palengke ng naka-takong?” – Ely

“Hindi ka nga talaga si Celine. Kalat ka, wala kang focus.” – Ely

“Bakit ka umiiyak? Ayoko ng umiiyak ng walang dahilan.” – Ely

“Sa tatay ni Celine, okay lang na magkautang na loob ka. Pero sa nanay mo, ang laking isyu.” – Insiang

“Tigilan mo na ‘yang ilusyon mo. Hindi ka naman psychologist ‘di ba? Yaya ka. ‘Yun ang trabahuhin mo.” – Ely

“Tigilan mo ko! Huwag mo kong daanin sa paiyak-iyak mo!” – Ely

“My sister said that crying is good for the soul.” – Mia

“Ano ‘to? Aalis ka? Eh, di umalis ka! Sino ang tinatakot mo? Diyan ka naman magaling ‘di ba? Lalayas ka na naman.” – Ely

“Konting hirap, suko agad. Palibhasa kasi, may pera. Masabihan mo ng konti, aalis. Kapag pumalpak, tatakas. Alam mo, Mia, hindi ka talaga puwede sa ibang bansa, eh. Ang hina-hina mo!” – Ely

“Oo na. Ayoko na. Ako na ang mahina. Ako na ‘yung hindi perpekto. Sorry ha. I’m sorry kung wala akong alam sa mundo. I’m sorry kung hindi ako ang bumubuhay ng pamilya ko sa Pilipinas, na wala akong pinag-aaral na kapatid. I’m sorry kung hindi ako naghirap, hindi ako nagutom, at hindi ko naranasan lahat ng hirap na nararanasan mo! Sorry ha! Eto lang kasi ako, eh. Tanga! Palpak! Bobo!” – Mia

“Lahat kayo hindi naniniwala that I still have a chance.” – Mia

“You know what, Ely, yes, I may not be a typical OFW story pero may kuwento din ako. Katulad mo din ako, may dahilan kung bakit ako nandito. Kung bakit tinitiis, kinakaya ko lahat, kahit gaano man kahirap at kalungkot. Pareho lang tayo. Gusto ko gumanda ang buhay ko. Gusto ko maipagmalaki ako ng pamilya ko. Gusto ko na hindi magtapos ang buhay ko dahil lang sa isang pagkakamali. I just want another chance.” – Mia

“Cute ka pala kapag tulog, eh. Hindi. Maganda ka pag tulog.” – Ely

Mia: Alam ko na kung bakit iyak nang iyak diyan sa kuwento mo. Kasi pareho kami. Naghihintay.

Ely: Ano ba ang hinihintay mo?

Mia: Mapansin. Makilala. Naghihintay mahalin. Ang pinagkaiba lang, hindi ako ganyan katiyagang maghintay. Pagod na akong umasa. Pagod na akong ma-compare sa ate ko. Pagod na akong maghintay na sabihin sa akin ng papa ko na proud din siya sa akin.

“Kaya kailangan kung maging successful dito sa Barcelona. Gagawin ko lahat. Ayokong umuwi doon na walang nangyayari sa buhay ko dito.” – Mia

“If you work hard enough, I might just tell you who she is.” – Ely

“Parang La Sagrada ba si Celine? Pag-ibig na hindi matapos-tapos. Pinapatagal pa.” – Mia

Ely: Ano’ng ginagawa mo?

Mia: Sabi mo i-kiss kita!

Ely: Ba’t ko naman sasabihin ‘yon?

Mia: At bakit ko naman gagawin ‘yon if you did not ask for it?

Ely: Eh, baka gusto mo lang talaga akong halikan.

Mia: At ba’t naman kita gusting halikan?

Ely: At ba’t naman hindi?

Mia: Alam mo ikaw … gusto mo lang talagang halikan kita, eh.

Ely: Wow. Baka ikaw ang gustong magpa-kiss sa akin, Mia?

Mia: Dare?

“Ngayon na lang ulit ako natawa nang ganito. Salamat.” – Ely

“’Di ba kanina sabi mo malaki ang utang mo sa akin? Mas malaki ang utang ko sa ‘yo. Kasi binigyan mo ko ng chance na mabuhay ulit. Salamat sa tiwala. Hasta luego.” – Mia

“Grabe kayo nagmahalan no?” – Mia

“Ni hindi naming pinag-usapan, naging kami na. And it was perfect. Wala kaming hindi napagkasunduan.” – Ely

“Nang nagkalayo kami, na-realize ko na ang laki pa pala ng mundo. Hindi lang pala si Celine at ang pamilya niya.” – Ely

“Ahhh, mukha ka ng mop.” – Ely

 “Ingat ka sa lungkot-lungkot na ‘yan. Mahirap magmahal ng taong hindi pa tapos magmahal ng iba.” – Insiang

“Celine, sorry na. Sorry na, okay?” – Ely

“Celine, baka puwede mo ng sabihin sa kanya na okay ka na. Sabihin mo sa kanya na puwede na ulit siyang maging masaya. Mahal na mahal ka nito, eh Pero puwede na ring ba siyang mahalin ng iba? Please?” – Mia

Ely: Kaya pala nabuhay pa ako, kasi makikilala kita.

Mia: Kaya pala dinala ako ng buhay dito, kasi nandito ka.

Ely: Kaya pala. Para sa ‘yo pala.

Mia: Salamat hindi ka sumuko.

Ely: Salamat naghintay ka. My dance will make you live. I like that.

Mia: My dance will make you live.

“May buhay ako! Pero iniwan ko ‘yon kasi gusto kitang makasama. Hindi ko alam kung bakit sarili kong nanay pumayag na itigil ko ‘yung buhay ko, ang pag-aaral ko, ano para magtrabaho dito? Kung ganoon lang din naman, aalis na ako dito.” – Tonying

“Nabuhay ‘yung nanay mo para mabuhay ka. Wala naman siyang ibang gusto kung hindi umayos ka. Kaya babalik ka doon sa loob at magso-sorry ka sa kanya. Maswerte ka, may nanay ka.” – Ely

“Naririnig mob a ‘yang sinasabi mo? ‘Dapat okay na tayo? Dapat?’ Eh, kung dapat lang din naman ang pinag-uusapan natin, dapat walang anak na iniiwanan ng magulang. Dapat walang anak na nagmamakaawa sa nanay niya na umuwi na siya. Natatandana mob a ‘yon, Ma? Nang tumatawag ka pa at nagmamakaawa ako sa ‘yo na umuwi ka na? Ano ang sinasabi mo noon? ‘Kung magpakabait ka, uuwi na ‘ko. Kung mataas ‘yung grades mo, uuwi na ‘ko. Kung matulog ka nang maaga, paggising mo nandiyan na ‘ko. Ma, nakailang tulog na ko, wala ka pa rin eh. Sinunod ko rin naman lahat ng gusto mo pero hindi ka pa rin umuuwi. ‘Di mapapalitan ng kahit ano pa mang pera, kahit ilan pang sapatos, at kahit ilan pang ticket papunta dito ang nawala sa aking noong iniwa mo ‘ko. Nawalan ako ng nanay. Hindi pera kung hindi nanay. So, no. Hindi pa tayo okay.” – Ely

Ely: Alam mo ba kung ano mga pinagdaanan ko? Hindi. So stop acting like you know my pain. Stop acting like you own it. Na pepuwede mong sabihin kung kailan ako mag-momove on. Kahit si Celine, kahit si Celine na kasama ko sa lahat, na alam ang lahat hindi pinakialaman ang mga desisyon ko.

Mia: Hindi ako si Celine! So stop comparing me to her!

Ely: Tama! Hindi ikaw si Celine, and you will never be Celine!

Mia: Celine is dead. Hindi na siya babalik, Ely. Pero hanggang ngayon umaarte ka pa ring parang nandito siya.

Ely: Nandito siya dahil nandito siya.

Mia: Kung nandiyan siya, nasaan ako? Anong mga lugar naming gustong magmahal sa ‘yo?

“Gusto ko huminto ang sakit. Kasi ang sakit sakit. Pero tinanong ko ‘yung sarili ko, ‘bakit?’ Kaya ako nandito to apologize to Him. I owe Him that. I owe my parents that, my sisters, at lahat ng taong nagmahal sa akin. And I realized that I also owe myself that. In fact, I owe myself the biggest apology sa lahat ng beses na pinarusahan ko ang sarili ko for failing. For failing other and most of all, for failing myself. And so, kahit na alam ko na ilang beses pa akong masasaktan muli, ilang beses pa akong magkakamali, alam ko that I also have my chance to learn, and make myself better. I just need to have that courage to forgive myself and to tell myself, ‘Okay lang. Sige lang, Mia. Tayo lang ulit! Laban!’” – Mia

“Mia, I’m sorry. I’m sorry.” – Ely

“Sorry din sa lahat, Ely. Sana piliin mo ring mabuhay. ‘Yung talagang mabuhay.” – Mia

Ely: Mia, mahal kita.

Mia: You don’t have to. Huwag mo kong mahalin dahil mahal kita. Mahalin mo ‘ko dahil mahal ‘ko dahil that’s what I deserve. Salamat sa lahat, Ely. Sana pagdating ng panahon magkita ulit tayo sa kuwento ko.

“Hindi ka niya iniwan, Ely. Ang sinasabi ni Mia, hihintayin ka niya. Hihintayin ka niya kung kailan ka magiging handa para sa kanya.” – Insiang

“Sana magkaroon ka ng lakas ng loob na hanapin ang sagot, anak. At harapin ang lahat ng dahilan na binibigay mo sa sarili mo para hindi ka maging masaya. Kapag nangyari ‘yon, puwede mong tanggapin ng wala duda, walang tanong, ng ‘di mo kailangang ibalik at pagbayaran ang pagmamahal na binibigay para sa ‘yo. Dahil totoong kamahal-mahal ka, Ely. Sana magkaroon ka ng tapang na mapalaya mo ang sarili mo.” – Insiang

“’Nay sana po matapos mong panoorin ‘yan, masagot niyo na po ako ng ‘oo’” – Ely

“Mahal kita dahlia mahal kita. ‘Yun na ‘yon.” - Ely

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.